Gobyerno, mas dapat na iprayoridad ang pagha-hire ng mga unemployed nurses sa bansa – Sen. Nancy Binay

Umapela si Senator Nancy Binay sa Department of Health (DOH) na iprayoridad ang pagha-hire ng mga unemployed na nurses sa bansa sa halip na i-tap ang mga unlicensed o hindi board-eligible na mga nurses.

Matatandaang plano ng DOH na bigyan ng temporary license ang mga nursing graduates na bumagsak o nakakuha ng 70 hanggang 74 na score sa board exam para tugunan ang kakulangan ng mga nurses sa mga pampublikong healthcare facilities sa bansa.

Naniniwala si Binay na ang pinaka-praktikal na gawin ay ang i-empleyo ang mga unemployed nurses, bigyan ang mga ito ng nararapat na lebel ng pag-aalaga, respeto, at pagdamay sa mga overworked nurses na nagtratrabaho sa mga pampublikong ospital.


Ipinare-review rin ng senadora ang kontrata ng mga nurse para sa mataas na sweldo, mas magandang benepisyo at makatwirang dami ng trabaho.

Binigyang diin ni Binay na ang mga nurse ang ‘backbone’ ng ating healthcare system at nararapat lamang na protektahan at bigyan ng sapat na kompensasyon ang essential workforce ng ating bansa.

Iginiit pa ni Binay na ang budget para sa pagha-hire ng mga underboard nurses ay ibigay na lang sa mga registered nurses at handa naman ang Senado na magbigay ng nararapat na mga tools at budget para mapabuti ang estado ng public health sa bansa.

Facebook Comments