Gobyerno, mas dapat na mag-invest na sa DICT

Kinakitaan ni Senator Sherwin Gatchalian ng higit na pangangailangan na mag-invest na ang gobyerno sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

Kasunod na rin ito ng serye ng hacking at data breach sa system at mga websites ng ilang government agencies.

Giit ni Gatchalian, mahalagang buhusan ng pondo ang DICT at maibalik ang panukalang P300 million na confidential fund na unang tinapyas ng Kamara.


Paliwanag ng senador, mas nag-e-evolve ang cyberattacks kumpara sa gobyerno kaya mahalagang mabigyan ang ahensya ng pondo, enforcement at promotion ng internet at communication sa bansa.

Bukod sa pagpopondo, mahalaga rin aniya ang pagkakaroon ng kagamitan lalo’t ang equipment na gamit ng mga hackers ay advance.

Isinusulong din ng mambabatas na pagaralan na itaas ang sahod ng mga IT experts upang mahikayat silang magtrabaho sa gobyerno gayundin ang pagaalok ng pagaaral at pagsasanay para sa cybersecurity.

Facebook Comments