Binigyang diin ni House Speaker Martin Romualdez, na mas nakatutok ang gobyerno ngayon sa pagbibigay ng ayuda tulad ng fuel subsidy sa halip na alisan ng Value Added Tax o VAT ang utilities.
Pahayag ito ni Speaker Romualdez kasabay ng paglilinaw na walang atas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na bumuo ng panukala para ihinto ang pagpapataw ng VAT sa utilities.
Paliwanag ni Romualdez, may ilang ahensya ang lumapit kay Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda para pag-aralan ang magiging epekto sakaling alisin ang VAT sa kuryente at tubig.
Facebook Comments