Gobyerno, may alok ding libreng renta at pautang sa rice retailers

Maliban sa ayuda, may inilatag pang ibang tulong ang gobyerno sa tulong ng Local Government Units (LGUs) para sa mga retailer ng bigas na apektado ng price ceiling.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Asec. Agaton Uvero, may mga mga lokal na pamahalaan ang namigay ng libreng isang buwang renta sa public markets para sa mga nagtitinda ng bigas.

May ugnayan na rin ang Department of Agriculture (DA) at LGUs sa logistics support partikular sa pag-deliver ng mga bigas.


Ito ay upang makabawas sa presyo ng bigas ang gastos sa pagkuha sa bodega hanggang sa mga retailer.

Ayon kay Uvero, inihahanda na rin ng DTI ang interest-free loans para sa maliliit na negosyong naapektuhan ng ipinatupad na price cap.

Inulit naman ng opisyal na pansamantala lang ang pagpapatupad ng price ceiling dahil sa sandaling maging stable na ang presyo sa merkado ay babawiin na rin ang Executive Order, na inaasahang hindi na matatagalan dahil papasok na rin ang panahon ng anihan.

Facebook Comments