Mayroon pang 1.4 bilyong piso ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na stand by funds at stockpiles para sa taong 2022.
Ito ang inihayag ni DSWD Undersecretary Eduardo Punay sa Laging Handa briefing sa harap nang ilang mga kalamidad na inaasaahang tatama sa bansa ngayong taon.
Mahigit 450 million pesos dito sabi ni Punay ay available standby funds na nasa kanilang Punong Tanggapan.
Sapat pa aniya ito sabi ni Punay para sa response efforts ng ahensiya sakali mang may mga kalamidad pang humagupit sa mga natitirang araw ng 2022.
Kaugnay naman ng Bagyong Paeng, sinabi ni Punay na gaya ng mga nagdaang bagyo ay maaga silang nagpre-position ng mga family food packs at relief goods.
Sapat na aniya ang mga kakailanganing pagkain ng mga residenteng mahahagip ng Bagyong Paeng.