Gobyerno, may pondo na para makabili ng COVID-19 vaccine

Nakalikom na ng sapat na pondo ang gobyerno para makabili ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III, gagamitin ang pondong ito para siguruhin na magiging sapat ang doses ng bakuna na ipapamahagi sa populasyon ng Pilipinas.

Aniya, layunin ng pamahalaan na mabakunahan ang halos 60 milyong Pilipino sa oras na maging available na sa merkado ang bakuna.


Una nang umutang ang administrasyong Duterte ng $326 million o P15.67 billion sa Asian Development Bank (ADB) para suportahan ang vaccination program sa bansa.

Paliwanag ni ADB Country Director for the Philippines Kelly Bird, kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan sa gobyerno ng Pilipinas upang ilatag ang technical background work ng programa.

Facebook Comments