Tiniyak ng Department of Health (DOH) na may sapat na pondo ang gobyerno para makabili ng mga COVID-19 vaccines sa susunod na taon.
Ito ay kahit pa walang alokasyong pondo para sa bakuna kontra COVID-19 sa ilalim ng 2023 General Appropriations Bill (GAB).
Paliwanag ni Senator Pia Cayetano, na sponsor ng panukalang budget sa Department of Health (DOH), mayroon pa namang imbentaryo ng mga bakuna at may mga loan din tayong maaasahan sa pagbili ng mga COVID-19 vaccines sa susunod na taon.
Kabilang sa pagkukunan ng mga bakuna ang P3.4 billion na loan na makakabili ng 5 million doses ng bivalent vaccines; ang commitment mula sa COVAX Facilityna bibigyan tayo ng bivalent vaccines; at maaari rin aniyang paghugutan ang loan proceeds mula sa Asian Development Bank (ADB) at sa World Bank.
Ayon pa sa DOH, booster shots pa rin ang magiging focus ng mga paparating na bakuna sa susunod na taon.
Bahagi ng gameplan ng Health Department na bumili ng mga bakuna by tranches para maiwasan na ang vaccine wastage o pagkasayang ng mga bakuna.