Gobyerno, muling kinalampag ng transport group sa hirit na P5 fare increase

Nanawagan ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) sa gobyerno na aprubahan ang hirit nilang limang pisong dagdag-pasahe bunsod ng sunod-sunod na oil price hike.

Sa isang panayam, sinabi ni FEJODAP President Ricardo “Boy” Rebaño na dahil sa nangyayari ay tila public service na lamang ang kanilang ginagawa.

Aniya, bagama’t masaya silang nakakapag-serbisyo sa kanilang kapwa Pilipino ay hindi naman pwedeng papanoorin lang sila ng gobyerno.


Apela ng grupo, aksyunan agad ng gobyerno ang walang humpay na oil price hike.

Nabatid na sa Martes, unang araw ng Marso, ay sasalubungin na naman ng panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga motorista.

Samantala, sa Marso 8, magsasagawa ng pagdinig ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa apelang P5 fare increase ng mga transport group.

Facebook Comments