Inaprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang Special Allotment Release Order o SARO na nagkakahalaga ng ₱5 bilyon para sa Special Development Fund ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Ang pagpapalabas ng pondo ay batay sa Republic Act 11054, kung saan taon taon kinakailangang maglaan ng pondo o Special Development Fund ang national government para sa 10 taong rebuilding, rehabilitation, at development sa mga conflict-affected na komunidad sa BARMM.
Umaasa naman si Secretary Pangandaman na magagamit ng tama ang pondong inilaan sa pangangailangan ng komunidad sa BARMM.
Pinakahuling gulo na nakaapekto sa BARMM ay ang Marawi siege na umabot ng limang buwan.
Ang gulong ito ay nagresulta ng pagkasira ng mga ari arian o property na umabot sa ₱17 billion.
Ang pondo ay direktang ire-release ng Bureau of Treasury sa BARMM Government sa pamamagitan ng authorized government servicing bank na subject to cash programming ng national government.
Una nang naglaan ang Marcos administration ng ₱64.76 billion para sa BARMM’s Annual Block Grant.