Gobyerno, naglaan ng 2 bilyong piso para sa Green Green Green Program

Muling binigyan diin ng Department of Budget and Management (DBM) ang commitment ng pamahalaan para sa mga adbokasiya may kinalaman sa environment.

Ito ay matapos na maglaan ng 2 bilyong piso para sa Green Green Green Program na nakapaloob sa 2024 National Expenditure Program.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maging dedicated sa pagkamit ng holistic at sustainable progress at nakapaloob aniya dito ang pag adopt sa greener economic practices.


Ang panukalang Green Green Green Program sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF) ay susuporta sa Local Government Units (LGUs) sa pagpromote ng green open spaces at infrastructure projects para sa active mobility.

Layunin nitong makabuo ng mas sustainable, livable, at resilient na komunidad para sa mga Pilipino.

Ang programang ito ay susuporta rin para maipasa ang Senate Bill No. 2439, o ang Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System o PENCAS Act, na author si Senate President Pro Tempore Loren Legarda.

Facebook Comments