Gobyerno, naglaan ng $6 million para sa gagawing pag-aaral sa ilang railway projects sa bansa

May pondo na sa halagang $6 million ang Department of Transportation (DOTr) para sa gagawing pagaaral ng ilang railway projects sa bansa.

Sa pagdalo ni DOTr Secretary Jaime Bautista sa inilunsad na tunnel boring machine ng Metro Manila Subway Project sa Valenzuela City kahapon, sinabi nito na gagawin ang mga pag-aaral para sa development ng Panay Railway, Bataan Railway at North Long Haul Interregional Railway na magko-konekta sa Ilocos at Cagayan sa National Capital region.

Sinabi pa ng kalihim na sisimulan ang technical studies sa mga railway projects sa susunod na ilang buwan.


Bukod dito, sinabi pa ni Bautista na hahanap din sila ng pondo para sa gagawing pag-aaral naman ng San Mateo Railway, Northern Mindanao Railway at Philippine Transport System Master Plan.

Aniya pa, ang lahat ng ito ay bahagi ng plano ng administrasyong Marcos na muling buhayin ang railway industry.

Facebook Comments