Gobyerno, naglaan ng mahigit 43 bilyong pisong pondo para sa 2023 agriculture priority programs

Sa harap nang pagpupursige ng pamahalaan na mapaangat ang sektor ng agrikultura at gawing pangunahing pinagmumulan ng pagtaas ng employment at pagkakaroon ng food security sa bansa.

Inihayag ng Department of Budget and Management o DBM na naglaan ang pamahalaan ng mahigit 42 bilyong piso sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act o GAA para sa mga programa ng Department of Agriculture.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, ang mga programang ito ay ang National Rice Program, National Corn Program, National Livestock Program, National High-Value Crops Development Program, Promotion and Development of Organic Agriculture Program, at National Urban and Peri-Urban Agriculture Program.


Layunin nitong magkaroon ng food security, mapababa ang antas ng kahirapan sa bansa at mapataas ang kinikita at productivity ng mga magsasaka.

Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ang agrikultura ang top concern priority ng kanyang administrasyon.

Facebook Comments