Gobyerno, naglaan ng P15.3-B pondo para sa 2024 proposed national budget ng DBM

Naglaan ang gobyerno ng P15.3 billion na pondo para sa 2024 proposed national budget ng Department of Migrant Workers (DMW) para makapagbigay pa ng mahahalagang tulong at mga proyekto para sa Filipino Migrant Workers (DMW).

Pagtitiyak ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, hindi kailanman pababayaan ng gobyerno ang kapakanan ng migrant workers ng Pilipinas.

Bayani aniya ng bansa ang mga ito at marapat lamang na matulungan at maalalayan ang mga ito, lalo na sa panahon ng pangangailangan.


Kabilang sa masasakop ng pondong ito ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Emergency Repatriation Program na nagkakahalaga ng P9.7 billion upang asistehan ang Overseas Filipino Worker (OFW) na mandatory repatriated.

Higit P440 million naman para sa Balik Hanapbuhay Program o ang livelihood package na layong makapagbigay ng agarang tulong sa mga OFW na umuwi sa Pilipinas.

Batay sa programa, makatatanggap ng P20, 000 cash assistance ang mga ito, bilang start up o additional capital.

Habang P18 million naman ang inilaan pra sa OFW Enterprise Development and Loan Program (EDLP) na layong tulungan ang pamilya ng mga OFW.

Facebook Comments