Gobyerno, naglaan ng P350 million para sa pagpapagawa ng maayos na public toilets

Naglaan ang gobyerno ng P350 Million na halaga para sa pagpapagawa ng maayos na public toilets o palikuran.

Ito ay upang makatulong na mapigilan ang pagkalat ng sakit na polio na karaniwang nakukuha sa dumi ng tao at sa kawalan na rin ng maaayos na sanitary facilities.

Ayon kay Anakalusugan Partylist Representative Michael Defensor, inaasahan niyang aabot sa 17,500 na mga palikuran ang itatayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).


Kukunin ang pondo mula naman sa 2020 budget ng Department of Health (DOH).

Itatayo ang mga public toilets sa mga lugar na tinukoy at pinili ng DOH partikular na sa mga lugar na wala talagang maayos na palikuran at may malaking tsansa ng pagkalat ng polio.

Para naman matiyak ang transparency at accountability sa proyekto, hiniling ni Defensor sa DPWH at sa DOH na ilagay sa kanilang mga website ang completion ng proyekto.

Batay sa tala, aabot sa 3.5 million na mga residente o 25% ng populasyon ay walang access sa maayos na palikuran.

Facebook Comments