Nagpaliwanag ang pamahalaan kung bakit patuloy parin ang paglobo ng kaso ng Coronavirus disease sa bansa sa kabila ng higit 1 buwan nang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año resulta lamang ito ng paglawak ng ating testing capacity.
Sa ngayon ay nasa 18 na ang testing laboratories sa bansa na mayruong 6300 testing capacity kada araw.
Una nang sinabi ng Department of Healt (DOH) na asahan pa ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa dahil sa patuloy na pagdami ng testing laboratories.
Sa pamamagitan ng testing, matutukoy agad kung sino-sino ang mga dapat i-isolate at bigyan ng atensyong medikal nang sa ganun ay hindi na sila makapang hawa pa.
Sa datos ng DOH kahapon, 8212 na ang confirmed cases sa bansa o 254 new cases, habang 558 ang kabuuang nasawi at umaabot na sa 1023 ang mga naka rekober.