Gobyerno, nakatutok pa rin sa pagtugon sa mga hamon para magkaroon ng food security ang Pilipinas

Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na marami pang dapat gawin ang gobyerno para makamit ang food security sa Pilipinas.

Sa ambush interview sa pangulo matapos mamahagi ng iba’t ibang government assistance sa Pili, Camarines Sur kahapon, sinabi nitong marami nang plano ang gobyerno para dito.

Inuuna aniya nilang tutukan ang pagpapababa muna ng presyo ng mga pangunahing bilihin, tulad ng sibuyas, bigas, at asukal.


Sa ngayon aniya, sinisimulan na nilang ipatupad ang mga una nang binalangkas na sistema.

Kabilang na ang pagpapalakas sa value chain, pagpapaigting ng produksyon at pagpapakilala at paggamit ng makabagong teknologiya sa sektor ng agrikultura.

Ayon pa sa pangulo, maraming hamon ang kinahaharap ng gobyerno bago maisakatuparan ang pagkakaroon ng food security ng Pilipinas ngunit hindi aniya natitinag ang pamahalaan dahil patuloy ang paggawa ng mga paraan para malampasan ang mga ito.

Facebook Comments