Gobyerno, nakikipag-ugnayan na sa Estados Unidos sa pagbili ng oral COVID-19 antiviral drug na Paxlovid

Nakikipag-usap na ang Pilipinas sa American pharmaceutical company na Pfizer para makuha ang oral antiviral treatment nito na Paxlovid.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nakikipag-ugnayan na sila kay Philippine Ambassador to the US Babes Romualdez at sa kasama mga kinatawan ng Pfizer para sa pag-angkat ng Paxlovid.

Batay sa Medicines and Healthcare products Regulatory Agency (MHRA) ng Britain, tinatawag ang gamot ng Paxlovid na epektibong inumin kung nasa early stages ng COVID-19 infection.


Mayroon itong 90% efficacy para maiwasan ang pagkaka-ospital at pagkamatay ng pasyente na may COVID-19.

Facebook Comments