Gobyerno nangakong hindi mag-aangkat ng asukal hanggang 2026

Wala munang magaganap na pag-aangkat ng asukal hanggang sa susunod na taon.

Ito ang napagkasunduan nina Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Paul Azcona, at SRA Board Member at Farmers’ Representative Dave Sanson.

Ito ay para maresolba ang kinahaharap ng mga sugar farmers na mababang presyo ng raw sugar.

Ayon kay Tiu-Laurel, kailangan pa nilang tapusin ang finish significant milling at magkaroon ng mataas at sapat na production figures dito sa bansa bago mag-import.

Kailangan din aniyang masiguro na kapag nag-angkat ng asukal ay para lamang sa classified C o reserve sugar.

Tiniyak din ng Department of Agriculture (DA) na magkakaroon ng two-month buffer stock na reserve sugar na hindi ilalabas sa merkado.

Facebook Comments