Nilinaw ng National Health Surveillance Agency ng Brazil na hindi ang COVID-19 ang dahilan kung bakit nila itinigil ang clinical trial ng Sinovac vaccine.
Nabatid na may napaulat na namatay na volunteer sa nasabing clinical trial noong Oktubre 29 kung saan sa inilabas na pahayag ng state government ng São Paulo sa Brazil, ang nasawing volunteer ay nag-suicide at hindi ito epekto ng bakuna.
Ayon naman sa Institute Director ng Butantan na si Dimas Covas, itinigil ang clinical trial para magsagawa ng pagsusuri sa hawak nilang datos at malaman ang peligro ng bakuna.
Nitong buwan ng Hulyo ng simulan ng Sinovac ang phase 3 ng clinical trial para sa Coronavac vaccine katuwang ang Butantan Institute at pamahalaan ng São Paulo at kanilang target para sa nasabing trial ang nasa 130,000 volunteers.