Nagkasundo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at French President Emmanuel Macron na mas palalakasin pa ang bilateral relations.
Ginawa ng dalawang presidente ang kasunduan matapos ang 20 minutong telephone conversation kahapon ng hapon.
Sa pag-uusap, tinalakay ng dalawang lider ang kasunduan sa pagpapatuloy ng palitan kaugnay sa low-carbon energy, defense cooperation, energy, biodiversity, agriculture, at food security, maging ang people-to-people exchanges.
Nagpalitan din ng ideya ang dalawang lider patungkol sa regional at international developments at umaasa ang dalawang lider na magkikita sa personal.
Binanggit din ni Macron kay Pangulong Marcos ang kanilang commitment sa Indo-Pacific region particular ang pagpapaigting ng international maritime law at mga challenges sa biodiversity at ocean preservation.
HInikayat naman ni Macron ang Pilipinas na makiisa sa High Ambition Coalition for Nature and People, na naglalayong protektahan ang 30 percent marine and terrestrial territories sa taong 2030.
Pinuri naman ni Pangulong Marcos si Macron sa kanyang leadership role at diplomatic efforts para i-promote ang peace at security sa Europa.
Ang France at Pilipinas ay nagdiriwang ng 75th anniversary sa pagbuo ng diplomatic relations.