Gobyerno ng Indonesia, umapela sa Pilipinas na huwag muna maglabas ng detalye sa pag-uwi ni Veloso hanggat hindi pa ito plantsado —PBBM

Humiling ang gobyerno ng Indonesia na huwag munang maglabas ng anumang anunsyo hinggil sa pagpapauwi sa Pilipinas kay Mary Jane Veloso.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ambush interview sa Bulacan.

Ayon sa pangulo, sinabihan sila ng gobyerno ng Indonesia na huwag na munang maglabas ng detalye tungkol dito hangga’t hindi pa napaplantsa ang lahat.


Nirerespeto aniya nila ang hiling na ito ng Indonesia.

Nauna nang sinabi ng Indonesian government na wala silang kondisyong ipatutupad at gusto na rin nilang mapauwi ng bansa si Veloso bago mag-Pasko.

Facebook Comments