Gobyerno ng Israel tiniyak na nabibigyan ng proteksyon ang mga Pilipino sa Israel sa harap nang nagpapatuloy na gulo sa lugar

Nangako ang gobyerno ng Israel sa pamahalaan na binibigyan ng proteksyon ang mga Pilipinong nasa Israel ngayon laban sa pag atake ng Hamas.

Ito ang sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Usec. Eduardo de Vega sa Bagong Pilipinas ngayon sa harap nang kanilang ginagawang patuloy na pakikipag-ugnayan sa Israel government para ma-monitor ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Israel.

Payo naman ni De Vega sa mga pinoy sa Israel na sumunod sa direktiba ng Israel authorities upang mas maging ligtas.


Maari aniyang tumawag sa embassy sa Israel ang mga Pilipinong nasa hindi ligtas na sitwasyon para agad marespondihan.

Ang numerong tatawagan ayon kay De Vega ay +972-544-661-188.

Sa ngayon nagpapatuloy ang verification ng DFA sa mga impormasyong may nadukot ang na pinoy ang grupong Hamas.

Facebook Comments