Tiniyak ng pamahalaan ng Kuwait na makakamit ang hustisya sa pagpaslang sa Pinay OFW na si Jullebee Ranara.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary Hans Leo Cacdac na personal na sinulatan ng ambassador ng Kuwait si DMW Sec. Susan “Toots” Ople at ang ina ni Ranara upang bigyan ng update sa pag-usad ng kaso ng 35-years old domestic helper.
Ayon kay Cacdac, dito ay tiniyak ng pamahalaan ng kuwait na makakamit ni Ranara ang hustisya sa pagkamatay nito.
Si Ranara ay dalawang beses umanong sinagasaan, sinunog at itinapon sa disyerto ang katawan nito ng 17-years old na suspek na anak ng kanyang employer.
Kahapon ay dumating na sa bansa ang labi nito at agad siyang isasailalim sa autopsy ng National Bureau of Investigation.
Sa ngayon ay inaasikaso na ng Overseas Workers Welfare Administration O OWWA ang mga benepisyo para sa iniwang pamilya ni Ranara, maging ang pagbuburulan at paglalagakan ng labi ng Pinay domestic helper.