Nakatanggap ng commitment si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., mula kay European Council President Charles Michel na magtulungan sa problema sa kalakalan at climate change mitigation.
Nagkasundo ang dalawang lider matapos magkita at magkausap sa Europa Building na sidelines ng ASEAN-EU Commemorative Summit sa Brussels, Belgium.
Sa pulong ng dalawa, binigyang diin ni Pangulong Marcos na mahalaga ang tungkulin ng mga bansa sa ASEAN sa world economy.
Ito ay dahil ayon sa pangulo tumaas na ang presensya ng ASEAN sa global stage sa pamamagitan ng kanilang efforts sa regional economic integration at supply chain resilience.
Nakakuha rin ng suporta ang pangulo para matutukan ang isyu sa seafaring industry na kung saan isa sa top agenda ng pangulo sa pagbisita sa Brussels.
Giit ng pangulo, kailangang may gawin siya para rito upang hindi mawalan ng trabaho ang nasa 50,000 Filipino seafarers na nagtatrabaho sa Europe-based shipping companies.
Samantala, sang-ayon naman ang European Council chief kay Pangulong Marcos sa pahayag nitong kailangan ng green fund para sa climate change at damage and loss policy.
Ang Green Climate Fund (GCF) ay itinalagang operating entity ng financial mechanism ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC).