MANILA, PHILIPPINES – Naglabas ng kundisyon ang Adminsitrasyong Duterte para matuloy ang usapang pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella – dapat pumayag ang mga makakaliwang grupo na lumagda sa bilateral ceasefire deal kung saan nakapaloob ang mga sumusunod:
– pagpapatigil ng koleksyon ng revolutionary tax o pangingikil
– pagpapatigil sa pananambang ng mga tauhan ng militar
– pagpapahinto sa pagsunog sa mga ari-arian
– itigil ang pag-uudyok o anumang hostile actions
Kapag sinunod ito ng CPP-NPA-NDF ay tiniyak na isusulong muli ng gobyerno ang peace talk.
Facebook Comments