Gobyerno ng Pilipinas, naglabas ng kondisyon para sa muling pagbuhay ng usapang pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF

29

MANILA, PHILIPPINES – Naglabas ng kundisyon ang Adminsitrasyong Duterte para matuloy ang usapang pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella – dapat pumayag ang mga makakaliwang grupo na lumagda sa bilateral ceasefire deal kung saan nakapaloob ang mga sumusunod:

    pagpapatigil ng koleksyon ng revolutionary tax o pangingikil

    pagpapatigil sa pananambang ng mga tauhan ng militar

    pagpapahinto sa pagsunog sa mga ari-arian

    itigil ang pag-uudyok o anumang hostile actions

Kapag sinunod ito ng CPP-NPA-NDF ay tiniyak na isusulong muli ng gobyerno ang peace talk.

 

Facebook Comments