Gobyerno ng Pilipinas, patuloy ang pakikipag-ugnayan sa Israeli government at iba pang kalapit bansa para sa ikakasang repatriation effort

Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na lahat ng paraan ay ginagawa ng gobyerno para sa ikinakasang paglilikas at pagpapauwi sa mga Pinoy na apektado ng Israel-Hamas conflict.

Ayon sa presidente, hindi humihinto ang pamahalaan sa pakikipag-ugnayan sa Israeli government kaugnay sa nasabing hakbang ng bansa para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Maging sa Egypt, ayon sa pangulo, tuloy-tuloy ang pakikipag-usap ng pamahalaan sa harap ng posibilidad na buksan na ang kanilang border para sa mga Filipino repatriates.


Sinabi ng pangulo, hihilingin nya sa Ehipto na maikunsidera na paraanin sa kanilang teritoryo ang mga Pinoy repatriates sa ngalan ng humanitarian consideration.

Bukas naman ayon sa pangulo ang paliparan ng Tel Aviv sa Israel para sa mga Pinoy na gustong makauwi na dito sa Pilipinas pero hanggang ngayon ay hindi pa tumatanggap ng refugees.

Facebook Comments