Itinanggi ngayon ng gobyerno ng South Korea na hindi ang flu vaccine ang naging dahilan ng pagkamatay ng 32 katao partikular ang isang 17-anyos na naturukan nito.
Ayon sa mga opisyal sa South Korea, walang kinalaman ang ginagawa nilang flu vaccine program sa pagkasawi ng ilang nabigyan nito base na rin umano sa isinagawang pagsusuri sa kanilang labi.
Dahil dito, inihayag ng Korean Vaccine Society na wala silang plano na ihinto ang kanilang flu vaccine program kahit pa iginigiit ng Korean Medical Assosciation na ipagpaliban muna sana ito ng isang linggo para malaman ang totoong dahilan lalo na’t nagdudulot ng takot sa mga mamamayan ang nasabing programa ng pamahalaan.
Nabatid na isinagawa ang vaccine program sa South Korea dahil sa magsisimula na ang influenza season sa katapusan ng Nobyembre na kasabay ng banta ng COVID-19.