Gobyerno, nilinaw na ang paglalagay ng EDCA sites ay para sa humanitarian at relief operations

Gagamitin para sa humanitarian at relief operations ang mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites na inilagay sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil ito ang paliwanag ni Department of National Defense (DND) Spokesperson Arsenio Andolong sa isang forum.

Magpapalalakas aniya ito ng disaster response ng bansa lalo’t nasa 20 mga bagyo kada taon ang tumatama sa Pilipinas.


Una nang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na natukoy na at nakatakdang ianunsyo kasama ang Amerika kung saang mga lugar sa bansa itinayo ang panibagong apat na EDCA sites.

Matatandan nang nakaraang buwan rin ay inaprobahan ng pangulo na maka-access ang tropa ng Amerika apat pang mga kampo ng militar bukod pa sa naunang limang kampo para magsagawa ng mga pagsasanay.

Binigyang diin ni Andolong na ang EDCA sites ay hindi ikinokonsiderang American military bases.

Facebook Comments