Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ‘on top of the situation’ ang gobyerno kasunod ng bombing incident sa Mindanao State University (MSU).
Ang pagtiyak ay ginawa ng pangulo habang ipinagkakaloob ang kaukulang tulong sa mga nabiktima ng karahasan.
Ayon sa presidente, kapwa nakaalerto ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para magbigay proteksyon at seguridad sa mamamayan.
Maliban pa rito ayon sa pangulo ay may idaragdag pang mga security personnel na ready for deployment.
Sa kasalukuyan ay naka-red alert ang buong rehiyon ng Mindanao habang naka-heightened alert ang buong National Capital Region matapos ang insidente ng pambobomba sa MSU.
Facebook Comments