Ginagawa ng lahat ang pamahalaan upang pabilisin ang pagdating ng mga reformaulated COVID-19 vaccine para sa mga kabataang edad 5 hanggang 11 taong gulang sa bansa.
Sianbi ito ni National Vaccination Operations Center (NVOC) chief at Health Undersecretary Myrna Cabotaje kasabay ng pagpapatuloy na bakunahan sa naturang age group
Ayon kay Cabotaje, nais nilang mapaaga ang pagdating nito upang makahabol ito sa nalalapit na pagbubukas muli ng face-to-face classes.
Dagdag pa nito, nakikipag-ayos na rin ang pamahalaan sa mga vaccine makers ng karagdagang 5 hanggang 10 milyong doses ng bakuna para sa naturang age group.
Sa ngayon, nasa mahigit dalawang milyong reformulated COVID-19 vaccine pa lamang ang nakakarating ng bansa sa napagkasunduang 15 million doses ng bakuna kung saan halos 800,000 kabataang edad 5-11 taong gulang pa lamang ang bakunado laban sa COVID-19.