Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na mahigpit ngayon ang ginagawang monitoring ng Pamahalaan sa mga Pilipinong nasa Hongkong dahil narin sa pananalasa ng typhoon Hato.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, inaabangan na nila ang ulat mula sa Department of Foreign affairs kaugnay sa mga OFW sa nasabing lugar.
Sa ngayon aniya ay inaabangan nalang nila ang feedback upang mabatid kung anong ayuda ang kailangang ibigay ng pamahalaan sa mga OFW na matinding naapektuhan ng bagyo.
Batay sa ulat ay 12 ang inisyal na nasawi sa pananalasa ng bagyo at malaki din ang pinsala nito sa mga ari-arian at imprastraktura sa Hongkong.
Facebook Comments