Gobyerno, patuloy ang mahigpit na monitoring dahil sa panibagong coronavirus omicron subvariant XBB.1.5

Nanatili ang mahigpit na monitoring ng health authorities sa bagong coronavirus Omicron subvariant XBB.1.5 na ngayon ay dumadami ang kaso sa United Kingdom matapos matuklasan noong September 2022.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., very closely ang monitoring ng mga concerned agencies ng pamahalaan para hindi makalusot sa Pilipinas ang bagong subvariant.

Sinabi ng pangulo na hindi nagpapa-kampante ang gobyerno para tutukan ang mga pagbabantay.


Hanggang sa ngayon, nanatiling walang kaso ng mas nakakahawang subvariant ng omicron ng coronavirus sa Pilipinas.

Sinabi ng pangulo kung pagbabasehan ang mga ospital ang kanilang occupancy rate ay mababa ang bilang.

Una nang siniguro ng Department of Health (DOH) sa publiko na mahigpit ang kanilang suveillance at monitoring efforts para hindi malusutan nang panibagong subvariant.

Facebook Comments