Gobyerno, patuloy na nakikipag-dayalogo sa mga labor union at organisasyon kaugnay sa mga hirit na dagdag sweldo ayon kay PBBM

Inaayos na ng pamahalaan ang mga hakbang para maipatupad ang pagtataas ng minimum wage ng mga manggagawa.

Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang makausap si International Labor Organization o ILO Director General Gilbert Houngbo sa ginawa nitong courtesy call sa pangulo kamakailan.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos Jr. kay Houngbo na nakikipag-ugnayan at nakikipag-dayalogo ang gobyerno sa mga labor union at organization para mabalanse at maisaayos ang mga negosasyon.


Layunin aniya nitong matugunan ang inflationary pressures sa mga manggagawa.

Dagdag pa ng pangulo, ang pagsisikap na maitaas ang sweldo ng mga manggagawa ay para makasabay sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Kahapon ay una nang inaprubahan ng Regional Tripartite Productivity Board (RTPB) ang ₱40 na wage increase sa National Capital Region (NCR).

Facebook Comments