Gobyerno, patuloy na pinaghahandaan ang second wave ng COVID-19

Kasabay ng pagtitiyak na nasa first wave pa rin tayo ng COVID-19.

Sinabi ni Chief Implementer of the National Policy Against COVID-19 Carlito Galvez Jr. na patuloy na pinaghahandaan ng pamahalaan ang posibleng second wave ng infection na maaaring dala-dala ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na dumadating sa bansa mula sa iba’t ibang apektadong bansa sa mundo.

Ayon kay Galvez, ang mga returning OFWs kasi ay karamihan ay mula sa United States, Italy, Spain at ilang bahagi ng Middle East na may mataas na kaso ng COVID-19.


Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Galvez na mula sa 30,000 newly-arrived OFWs, 600 dito ang positibo sa virus kaya’t dinala ang mga ito sa mga COVID-19 designated hospital.

Kasunod nito, aabot pa sa 42,000 na OFWs ang dadating sa bansa ngayong Mayo hanggang Hunyo kung kaya’t kapag na-decongest na ang mga tinutuluyang quarantine facilities ng mga naunang dumating na OFW ay saka pa lamang muli tatanggap ng parating na OFWs.

Facebook Comments