Pinag-i-invest ni Senator Grace Poe ang pamahalaan ng mas malakas na cyber security infrastructures.
Bunsod na rin ito ng sunod-sunod na hacking sa government websites kung saan pinakahuli sa na-hack ang website ng Kamara.
Pinakikilos ni Poe, Chairman ng Committee on Public Services, ang Department of Information and Technology (DICT) at iba pang kaukulang ahensya ng gobyerno na gumawa ng paraan para matigil na ang hacking spree sa government websites.
Punto ng senadora, hindi pwedeng ‘business as usual’ at maghihintay na lang sa susunod na mabibiktima ng data breach kaya mahalagang matigil at mapanagot na ang mga nasa likod ng hacking.
Aniya pa, hindi lang mahahalagang government records ang nakasalalay rito kundi ang mga sensitibong data na maaaring magkompromiso sa ating national security.