Ngayong usong-uso ang online transactions dahil sa patuloy na umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Iniulat ng National Bureau of Investigation Cybercrime Division at Bangko Sentral ng Pilipinas ang 100% pagtaas ng phishing cases.
Ayon kay Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, marami ngayong modus kung saan may mga taong magpapanggap na empleyado ng bangko at hihingin nila ang detalye ng inyong bank account tulad ng bank account number at password.
Paalala ni Nograles sa publiko, huwag na huwag ibibigay ang mga personal na detalye ng inyong bank accounts.
Paliwanag pa nito kahit kailan man, kahit sa ano mang pagkakataon hihingin ng bangko ang anumang personal ninyong impormasyon.
Binabalaan din ng task force ang publiko na mag-ingat sa mga humihingi ng donasyon online dahil may mga kriminal na nagpapanggap na kasapi sa mga respetadong institusyon.
Payo ni Nograles, kung may mga reklamo hinggil sa mga nabanggit na usapin, maaari itong i-report sa NBI website.