Gobyerno, pinagkokomento ng SC sa panibagong mga petisyon kaugnay ng ika-3 extension ng Martial Law sa Mindanao

Manila, Philippines – Inatasan ng Korte Suprema ang Office of the Solicitor General na magkomento sa panibagong mga petisyon kaugnay ng ikatlong extension ng Martial law sa Mindanao.

Partikular ang mga petisyon na inihain ng Makabayan bloc ng Kamara at ni dating COMELEC Chairman Christian Monsod.

Una na ring naghain ng petisyon kontra Martial Law extension ang Magnificent 7 ng Kamara sa pangunguna ni Albay Cong. Edcel Lagman.


Kahapon, nagdesisyon ang Korte Suprema na pag-isahin na lamang ang tatlong petisyon na inihain ng tatlong grupo.

Sa January 29 itinakda ng Supreme Court ang oral arguments sa nasabing mga petisyon.

Facebook Comments