Gobyerno, pinaglalatag na ni Senator Binay ng contingency plan kaugnay sa namumuong tension sa middle east

Manila, Philippines – Ngayon pa lang ay pinaglalatag na ni Senator Nancy Binay ng contingency plan ang pamahalaan kaugnay sa namumuong diplomatic crisis sa gitnang silangan.

Partikular na pinakikilos ni Senator Binay ang Department of Foreign Affairs, Department of Labor and Employment, Overseas Worker Welfare Administration at ang Philippine Overseas Labor Office sa Qatar.

Giit ni Binay, hindi dapat hintayin na pa na lumala pa ang krisis bago kumilos ang gobyerno lalo pa’t posibleng maapektuhan ang ating overseas Filipino workers at mga Filipinong nakatira sa Qatar.


Base sa 2015 Philippine Overseas Employment Administration o POEA data, umaabot sa 900,000 ang OFWs Middle East kung saan 130,000 sa mga ito ang nasa Qatar.

Binigyang diin ni Senator Binay na kailangang matiyak na laging ligtas at kalmado ang ating mga kababayan sa Qatar at may tulong na nakahanda para sa kanila ang pamahalaan.
DZXL558

Facebook Comments