Gobyerno, pinalagan ang pahayag ng World Bank na mabagal ang vaccine rollout sa bansa

Iginiit ng National Task Force Against COVID-19 sa World Bank na gumagana ang pagpapatupad ng vaccination rollout sa bansa.

Ngunit inamin ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na nakaapekto ang sa vaccination program ng bansa ang pananalasa ng Typhoon Odette noong nakaraang taon at ang paghahanda ng mga lokalidad sa national elections.

Kasunod ito ng kabiguan ng bansa na makamit ang 54 million taget population sa huling araw ng taong 2021.


Sa kabila nito, sinabi ni Galvez na nananatiling committed ang gobyerno na mabakunahan ang lahat ng kwalipikadong Pilipino laban sa COVID-19 kahit may mga balakid na kinakaharap ang bansa.

Matatandaang naglabas ng ulat ang World Bank noong nakaraang linggo kung saan lumalabas dito na mabagal ang vaccination rollout ngPilipinas kumpara sa kapitbahay nitong bansa sa Southeast Asia.

Facebook Comments