Gobyerno, pinapa-aksyon ng isang kongresista sa napaulat na ilegal recruitment ng mga Pilipino sa Italy

Agarang pinapakilos ni Committee on Overseas Workers Affairs Chairman at KABAYAN Partylist Representative Ron Salo ang gobyerno kaugnay sa napaulat na illegal recruitment ng mga Pilipino sa Italy.

Partikular na pinapa-aksyon ni Salo ang Department of Migrant Workers (DMW), Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine Consulate General (PCG) sa Milan, at mga otoridad sa Italy.

Nabatid ni Salo na kalunos lunos ang sitwasyon sa Italy ng mga Pilipino ng biktima.


Bunsod nito ay kinalampag din ni Salo ang National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), at iba pang otoridad para hanapin ang mga nasa likod o kasabwat na bumiktima sa nga Overseas Filipino Workers (OFW).

Kaugnay nito ay nanawagan din si Salo sa pamahalaan na bigay ang pangangailangan at legal support sa mga OFWs upang matiyak na makakamit nila ang hustisya.

Facebook Comments