Ikinabahala ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva ang napipintong pagkawala ng trabaho ng 700 mga manggagawa ng Honda Cars.
Ito ay dahil sa nakatakdang pagsasara ng Honda Cars Manufacturing Facility sa Sta. Rosa, Laguna.
Diin ni Villanueva, kaawa-awa ang pamilya ng nabanggit na mga manggagawa kung wala na silang trabaho.
Dahil dito ay iginiit ni Villanueva sa Department of Labor (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI) na maglatag ng hakbang para tulungan ang mga mangagagawa ng Honda at kanilang pamilya.
Umaapela din si Villanueva sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA, na makipagtulungan sa labor department upang makabuo ng supplemental trainings.
Ito ay para mabigyan ng bagong skills ang mga manggagawa ng Honda na maaring maging daan para mapabilis ang paghahanap nila ng bagong trabaho.
Kaugnay nito ay plano din ni Villanueva na magsagawa ng pagdinig para matukoy ang ugat ng pagsasara ng Honda at iba pang problema.