Gobyerno, pinayuhan ng isang kongresista na mamuhunan sa cybersecurity at cybersecurity experts

Bilang kasapi ng House Committee on Information and Communications Technology, ay nagpahayag ng lubhang pagkabahala si Bohol 3rd District Rep. Kristine Alexie Tutor sa mga insidente ng cyberattack sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Philippine Statistics Authority (PSA).

Bunsod nito ay iginiit ni Tutor sa gobyerno na mamuhunan sa cybersecurity at cybersecurity experts.

Mungkahi ni Tutor sa pamahalaan, bumuo ng public-private partnerships at humingi ng foreign technical assistance mula sa Asian Development Bank, Japan International Cooperation Agency, at World Bank.


Paliwanag ni Tutor, kailangan ang naturang hakbang dahil sobrang kaunti lamang ng Filipino IT experts on cybersecurity at lubhang mahal ang customized cybersecurity software, hardware, at architecture designs.

Sa pagkakaalam ni Tutor, nasa 200 lang ang certified na cybersecurity specialist sa bansa o katumbas ng 1.8 certified cybersecurity experts kada isang milyong populasyon.

Facebook Comments