Posibleng nalugi ang pamahalaan ng hanggang ₱15 billion sa nakalipas na limang taon dahil sa fraudulent pneumonia claims sa PhilHealth.
Ayon kay Marikina 2nd District Representative Stella Quimbo, batay sa mga datos mula sa state health insurer at Department of Health (DOH), tinatayang nasa apat na bilyong piso ang nawala dahil sa fraudulent pneumonia cases noong 2019.
Aniya, hindi pa kasama rito ang iba pang kaso mula sa cataract at dialysis claims.
Malinaw aniya na mayroong sabwatan sa pagitan ng mga opisyal ng PhilHealth at mga ospital hinggil sa mga iregularidad.
Sinabi rin ni Quimbo na maaaring hindi namamalayan ng mga pasyente na pumapasok na sila sa fraud scheme.
Nagbabala ang mambabatas na ang posibleng pagkawala ang tiwala ng publiko sa PhilHealth ay maaaring magresulta ng pagpalpak ng social health insurance program.
Wala pang tugon ang PhilHealth hinggil dito.
Si Quimbo ang naghain ng House Bill 7429, na binibigyan ng awtorisasyon ang Presidente na i-reorganize ang PhilHealth.