Gobyerno, positibong maaabot ang 2 million na target COVID test sa susunod na buwan

Positibo ang pamahalaan na aabot na sa dalawang milyon ang kabuuang datos na sumailalim na sa Polymerase Chain Reaction (PCR) test sa susunod na buwan.

Sinabi ni Testing Czar Secretary Vince Dizon na ito’y dahil na rin sa mas maraming test laboratories mayroon sa buong bansa na ngayon ay nasa 94 na.

As of July 26, 2020, ayon kay Dizon, ay nasa 1.4 milyong test na ang nasa kanilang talaan na sumalang sa COVID-19 test.


Target ng pamahalaan na makapagsagawa ng sampung milyong test hanggang 2021 sa harap na rin ng pagsisikap ng gobyernong matukoy, ma- trace at magamot ang mga tinamaan ng Coronavirus Disease.

Una ng sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque na ang 10% lamang ng population ng bansa ang kakayaning maisalang sa test na kaya aniyang maisakatuparan hanggang sa susunod na taon.

Facebook Comments