Gobyerno, sapat ang pondo para sa mga OFW na apektado ng gulo sa Israel

May sapat na pondo ang gobyerno para gamitin sa pagtulong sa mga Pilipino na apektado at mawawalan ng trabaho sa tension ngayon sa Israel.

Ayon kay House Appropriations Committee Chair at AKO BICOL Party-list Representative Elizaldy Co, mayroong contingent fund sa ilalim ng 2023 national budget na pwedeng gamitin kaya hindi na kailangan hintayin pa ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.

Pero kung kukulangin ang nasabing pondo, ay sinabi ni Co na pwede pa rin itong maremedyohan sa pagsalang ng 2024 General Appropriations Bill sa bicameral conference committee.


Base sa Overseas Workers Welfare Administration – 30,500 ang mga Pilipino sa Israel kung saan ang 90% o mayorya ay nagtatrabaho bilang caregivers.

8 sa kanila ay permanent residents, 497 ay mga estudyante, 19 ang turista at 127 ang mga Pilipina na nasa Gaza.

Facebook Comments