Gobyerno, target ang 500,000 daily vaccinations para maabot ang herd immunity sa Nobyembre

31

Kumpiyansa ang pamahalaan na maabot ang karagdagang 2-milyong Pilipino na mababakunahan ngayong Mayo.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., kailangang mabakunahan ang 500,000 indibidwal kada araw o 3-milyon kada linggo sa Metropolitan areas at anim pang probinsya para maabot ang herd immunity sa Nobyembre.


Sa ngayon aniya, aabot sa 60,000 hanggang 70,000 ang nababakunahan kada araw sa Metro Manila.

Sabi pa ni Galvez, pag nabakunahan na ang mga kabilang sa A1, A2 at A3 priority groups, masasabing na-contain na ang hospitalization at contamination sa mga vulnerable person.

Facebook Comments