Gobyerno, target na mapababa sa 25% ang COVID-19 cases sa bansa

Target ng pamahalaan na mapababa sa 25% ang bilang ng mga naitatalang COVID-19 cases sa Pilipinas.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kasunod ng mas pinahigpit na mga restriction na ipinatutupad sa National Capital Region (NCR) at ‘NCR plus’ kung saan kabilang dito ang Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal, simula ngayong araw hanggang April 4.

Ayon sa kalihim, minimum lamang ang 25% na ito, at umaasa ang gobyerno na mas malaki pa ang maitatalang pagbaba sa bilang ng mga bagong kaso sa bansa.


Inaasahan kasi na kapag bumaba ang kaso, bababa rin ang health care utilization rate o ang mga nadadalang COVID-19 patients sa mga ospital.

Kasunod nito, sinabi ng kalihim na patuloy na umaapela ang pamahalaan sa publiko na kung hindi naman essential ang kanilang biyahe o aktibidad ay huwag na munang lumabas ng tahanan upang bumaba ang COVID-19 cases sa bansa.

Facebook Comments