Gobyerno, tila walang ‘sense of urgency’ sa pagre-reserve ng COVID-19 vaccine supply – Atty. Barry

Pinuna ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang tila kawalan ng ‘sense of urgency’ ng gobyerno sa pagre-reserve ng suplay ng COVID-19 vaccine.

Ayon sa tagapagsalita ng bise presidente na si Atty. Barry Gutierrez, halos lahat ng bansa ay nakapila na para sa bakuna pero tila hindi pa masyadong kumikilos ang pamahalaan para matiyak na maaga ring makakakuha ng COVID-19 vaccine ang pilipinas.

“E sa ngayon lahat ng bansa pumipila na e. kasi ang haba ng pila nito, Ka Ely. Isipin mo buong mundo, lahat ng bansa, lahat ng mga tao sa mundo, gusting magpabakuna. So nagtataka ako bakit parang hindi pa tayo masyadong kumikilos, parang walang sense of urgency, hindi pa nga ata tayo nagbayad ng reservation fee,” ani Gutierrez.


Giit pa ni Gutierrez, dapat na numero unong prayoridad ng pamahalaan sa paglalaan ng pondo para sa susunod na taon ang problema sa COVID-19.

Aniya, bagama’t aprubado na ang P72.5 billion na pondo para sa pagbili ng bakuna, hindi naman malinaw pa kung saan ito kukunin.

“Eto nga, yung sinasabi ni Senator Frank Drilon na parang, kahit nakalagay nay an sa budget, P72 billion e, hindi pa klaro kung saan kukunin yang perang yan. Nakakagulat yon. Hindi ba dapat kung anumang pera ang meron tayo e dapat d’yan agad ilalagay. Bakit mo ilalagay sa ibang ahensya e ito yung pinaka-importante e,” dagdag pa niya.

Samantala, umaasa rin ang kampo ni Robredo na mapapalakas at mapaparami pa ng gobyerno ang COVID-19 testing nito.

Ito ay makaraang mapagtanto ni pangulong rodrigo duterte ang kahalagahan ng pagsasagawa ng mass testing sa umpisa pa lamang para mapigilan ang pagkalat ng sakit.

At dahil mismong si Pangulong Duterte na ang nagsabi na tamang magkaroon ng mass testing, umaasa rin ang kampo ni bise presidente na mahihinto na ang paninira sa kanya sa social media.

“Marso pa lang nananawagan na si VP Leni na kailangan magkaroon ng mass testing. So natutuwa na rin ako na kahit siyam na buwan na ang lumipas, tinanggap naman ng pangulo. E sana ngayon na meron nang ganyang senyales at meron nang ganyang sinabi an gating pangulo e lalong ma-intensify yung ating mass testing,” ang pahayag ni Atty. Barry Gutierrez sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila.

Facebook Comments