Gobyerno, tiniyak ang patuloy na suporta sa NKTI kaugnay sa pagdiriwang nito ng anibersaryo

Siniguro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na magpapatuloy ang suporta ng pamahalaan sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) kaugnay sa pagdiriwang nito nang ika-40 anibersaryo ngayong araw.

Ginawa ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagtiyak sa kaniyang talumpati sa NKTI Atrium sa East Avenue, Diliman sa Quezon City.

Ayon sa pangulo, naniniwala siyang mapipigilan ng bansa ang pagdami ng mga namamatay dahil sa pagkakaroon ng kidney at renal disease.


Ito ay dahil aniya sa mga masisipag na mga doktor, mga nurse at tauhan ng NKTI.

Bukod dito, ay ang patuloy na pag-upgrade ng mga equipment at pasilidad ng nasabing ospital.

Aniya, natatandaan niya pa taong 1983 nang magsimula ang NKTI bilang National Kidney Foundation of the Philippine sa panahon nang kaniyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Hanggang sa naging isa na itong world class specialized institution na naging forefront ng pamahalaan para labanan ang kidney disease.

Nasaksihan niya raw na nagsimula ito na two-ward na may 50 bed facility at ngayon ang NKTI ay mayroong nang 50-building complex na may 383 beds at may round a clock emergency services.

Nagpasalamat naman si PBBM sa mga namumuno sa NKTI sa patuloy na serbisyo lalo na aniya noong panahong kasagsagan ng pandemya.

Facebook Comments